Mga Sawsawang Pinoy!

Karamihan sa mga pinoy ay mahilig sa mga sawsawan. Minsan-minsan may makikita kang sumasawsaw sa suka o kahit anuman. Sa mga sawsawan, mayroon talaga na nangingiba. Naalala ko ang kinwento ng aking nanay. Noong siya'y nagtatrabaho sa Estados Unidos, tuwing siya'y kakain kasama ang mga katrabaho, parati siyang may dalang suka. Tunay na nadidirian ang mga Amerikano. Makikita mo ang kanilang mga asim na mukha kahit di pa nila nailagay ang suka sa sarili nilang bibig.

Ang tatlong pangunahing sawsawan sa Pilipinas ay patis (fish sauce), suka (vinegar) at toyo (soy sauce). Pwede itong gamitin na mag-isa o pwede rin itong ihalo sa iba't ibang sangkap para makagawa ng mga bagong sawsawan.

Itu-ito ay ilan lamang sa sawsawang pinoy.


703557_f520.jpg
Banana Ketchup

Kahit kaunti lamang ang kamatis dito, ang saging pa rin ang nagbibigay ng lasa rito. Maanghang-anghang at manamis-namis ito. Karaniwan itong ginagamit para sa baboy at manok.
----

sinamak.jpg
Sukang Sinamak
Ang sukang sinamak ay galing sa Iloilo at Bacolod. Bali, ito'y ginagamit sa inasal at iba pang inihaw na ulam. Ito'y may luya, bawang, galanggal at saka siling labuyo.

3157197543_7c4332341e.jpg
Sarsa ng Lechon
Ito ay ginagamit sa lechong baboy, isang kailangang makita sa mga salu-salo. Ginawa ito gamit atay, suka, bawang, sibuyas at iba pa. Ginagamit na rin to kapag ipapaksiw na ang tirang lechon.

Toyomansi_by_Maika_Isabel.jpg
Toyomansi

Ito ay tradisyunal na sawsawan para sa pochero pati na rin sa inihaw o pinrito na baboy o isda. Maaari mo 'tong dagdagan ng kamatis at sibuyas para makuha mo ang "zing."


Pinagkunan:
http://homecooking.about.com/od/condimentrecipes/r/blcon77.htm
Philippine Cuisine gawa ni Myrna D Segismundo